Friday, August 01, 2008

Dyoker

Sa pagtawa,

Nagpakita ng ngipin.

Hindi napansin

Ang pangil nang ipiit

Sa kabaliwan.


Sa pagkampay ng kamay

Sumabog ang awitin ng pinsala.


At pinakalat ang salamangka

ng berdugo ng kaguluhan.