Ay pag-ibig ay tsokolate.
Minsan matamis.
Minsan matapang.
Minsan mapakla.
Depende sa pagkatimpla.
Masarap pero nakakauhaw.
Sandali lang, ubos na.
Tunaw na pero ang lasa mananatili pa sa dila.
E kung di nalang sana namigay ng tsokolate?
Pwede.
Pero pano na ang panandaliang ngiti at saya?
Hay, kalimutan mo na lang sya.
Tuloy pa rin ang buhay.
At may tubig naman di ba?